Hindi ko alam kung ganito rin sa inyo, pero ganito ang eksena sa ‘min tuwing pasko. Madalas pera ang binibigay sa mga inaanak. Oo pera, hindi regalo.

money?

Hindi naman sa ayokong makatanggap ng pera tuwing pasko. Sino bang tatanggi? Ang akin lang, para kasing naimbento na ang ninong at ninang para magbigay ng pera tuwing pasko. Naalala ko pa yung paraan ng pagbibigay ng pera ng ninong ng kapatid ko. Ganito. May tindahan kasi sya. Dadating kami ng kapatid ko sa tindahan nya. Di pa kami nakakapagsalita ng “Merry Christmas po”(na sana ay may halong ngiti at lambing sa tinig para syempre baka tumaas yung ibibigay nya samin. Baka.), ibibigay nya na agad yung pera nang wala man lang halong kahit anong emosyon sa pagmumuka nya. Na tipong nagsukli lang sya sa isa sa mga bumibili sa tindahan nila. Ganon. Naiimagine mo na ba yung itsura nya?

or gift?

Sa pagkakatanda ko sa meaning ng ninong at ninang, sila yung mga taong mag-aalaga sa’yo ‘pag wala ka nang magulang, o sila yung tutulong mag-alaga sa’yo kahit damulag ka na at halata namang kaya mo nang alagaan ang sarili mo. Bale bonus na lang yung bibigyan ka ng regalo tuwing pasko, at hindi obligasyon na bigyan ka ng pera tuwing pasko.

Para sa ‘kin kahit mumurahin lang yung regalo na ibibigay sa kin, ayos na yon. Napakamukang pera ko naman kung aalamin ko pa kung magkano bili nya dun. Ang mahalaga, nag-abala sya. Lalo na yung mga Do-it-yourself na regalo. Nung nakaraang taon may natanggap akong regalo na ganun e. Kaso sablay. Ang binigay sa kin, hikaw at bracelet. Akala nya yata ang inaanak nya e yung kapatid ko na kikay. Pero thankful pa rin ako. Kahit di ko sinusuot yun, tinago ko pa rin at di ko binigay sa kapatid kong namimilit na bagay daw sa kanya yon.

Advertisements